Verse I:
Panginoon, ang nais ko
Kagandahan Mo ay pagmasdan
Ang pag-ibig Mo, sa ‘ki’y tugon
Kailanma’y ‘di pababayaan
Pre-Chorus:
Sa ‘Yo lamang matatagpuan
Sa ‘Yo lamang
Chorus:
Mananatili sa Iyong lilim
At sasambahin Ka sa dakong lihim
Mananatili sa Iyong lilim
Nang masumpungan Ka sa dakong lihim
Verse II:
Panginoon, ang ngalan Mo
Ay kalinga at sandigan ko
‘Di magbabago, pangako Mo
Salita Mo’y panghahawakan
Pre-Chorus:
Sa ‘Yo lamang matatagpuan
Sa ‘Yo lamang
Chorus:
Mananatili sa Iyong lilim
At sasambahin Ka sa dakong lihim
Mananatili sa Iyong lilim
Nang masumpungan Ka sa dakong lihim
Bridge:
Ang pagpuri ko ay tanging sa ‘Yo
Sa ‘Yo lamang iniaalay
Oh, Panginoon ang puso ko’y
Sa ‘Yo magpakailanman
No comments:
Post a Comment